Halos tatlong linggo na ang nakakaraan nang tanungin natin kung kaya bang ibalik ni Steph Curry ang dati niyang mainit na shooting.
Labintatlong laro matapos ito, walang duda na back with a vengeance ang 2-time MVP.
| 'Chef' cooking again from 3 | ||||
| Steph Curry | Made | Att | Pct | |
| Last 13 games * | 64 | 135 | 0.474 | |
| 16 games prior | 50 | 159 | 0.314 | |
| * — All wins | ||||
Sa panalo ng Golden State Warriors kontra Phoenix Suns nitong Miyerkules (Huwebes ng umaga, oras sa Manila), nakabuslo ng 8 3-pointers sa 13 attempts si Curry.
Anumang depensa ang itinapon ng Suns kay Curry o anumang distansya ang kanyang kinatatayuan, tila balewala ito sa kanya. Lista na kumbaga ang bawat pukol niya.
Dahil sa panalo ng Warriors, nasungkit nito ang top seed sa buong NBA playoffs at home-court advantage.
For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.
Source : news[dot]abs-cbn[dot]com
0 comments :
Post a Comment