Home » » NBA: Sino ba ang karapat-dapat na maging MVP?

NBA: Sino ba ang karapat-dapat na maging MVP?

Kawhi Leonard and James Harden have 1 thing going for them over Russell Westbrook in the MVP race — Leonard's Spurs and Harden's Rockets are winning more. Soobum Im, USA Today Sports

Ilang araw na lang at magtatapos na ang NBA regular season, ngunit hanggang ngayon wala pa ring itinuturing na paboritong mag-uuwi ng Most Valuable Player award.

Sa mga nakaraang taon, may isang pangalan ng umaangat sa kompetisyon bago pa man mag-Abril. Pero dahil sa tindi ng performance ng maraming players ngayong season, hindi kaila sa mga eksperto na down to the wire ang karera para sa pinakamimithing pang-indibidwal na tropeo. 

Sino-sino nga ba ang nangunguna sa tinaguriang MVP race? 

  • Russell Westbrook, Oklahoma City Thunder

Apatnapung taon ang hinintay ng liga bago makakita muli ng isang player na nag-a-average ng triple-double kaya malaki ang tsansa ng Thunder point guard na maiuwi ang MVP.

Malulupit ang numero ni Westbrook — 31.9 points (No.1 sa liga), 10.6 rebounds at 10.4 assists — lahat mga career-high averages kahit na wala siyang All-Star teammate.

Ngunit may ibang advanced analytics experts na hindi lubusang kumpiyansa sa kampanya ni Westbrook. Ang ilan, itinuturo ang hindi pagiging championship caliber ng OKC habang inaakusahan naman ito ng ilan ng "stat padding." 

  • James Harden, Houston Rockets

Bukod kay Westbrook, si Harden ang itinuturing na "other sexy pick" o popular na kandidatong maaaring makakopo ng tropeo.

Salamat sa bagong coach (si Mike D'Antoni na nangunguna sa Coach of the Year honors) at sa mas mabilis na sistema na nagbibigay-diin sa 3-point shooting, lumabas ang totoong potensyal ni Harden.

Hindi man siya triple-double machine, nangunguna naman sa buong liga si Harden sa assists (11.2) at pumapangalawa kay Westbrook sa scoring (29.2).

Dagdag MVP points din ang record ng Rockets na kinokonsiderang dark horse para sa championship.

  • Kawhi Leonard, San Antonio Spurs

Kung statistics ang pag-uusapan, lalabas na dehado ang mga numero ni Leonard kumpara sa mga unang nabanggit na mga players — 25.9 points na pasok sa top 10 sa liga, pero hindi ganoon ka-impressive na 6 rebounds at 3.6 assists.

Ngunit mahirap itanggi ang positive impact ni Leonard sa isang koponang maaaring makakopo muli ng 60 o mahigit na panalo.

Kung may isang numero na sumasalamin sa MVP value ng isang player, ito ay tinatawag na "win shares." Pangalawa si Leonard kay Kevin Durant ng Golden State Warriors sa win shares pero, dahil na-sideline nang matagal si Durant dulot ng isang injury, nawala sa MVP talk ang pangalan ni Durant.

Isaiah Thomas has been punching over his weight this season to the point that he's in the MVP conversation. Kelley L. Cox, USA Today Sports
  • Isaiah Thomas, Boston Celtics

May taas na 5-foot-9 lang si Thomas — mas maliit pa sa karamihan ng mga naglalaro sa PBA — pero siya ang heart and soul ng Celtics na humahamon sa Cleveland Cavaliers para sa kampeonato ng Eastern Conference.

Lumundag ng husto ang mga shooting numbers ni Thomas, na may career-high average na 29.1 points (tandaan, 5-foot-9 lang siya) mula sa 22 noong nakaraang season.

Puro career-high din ang percentage niya sa free-throw, field-goal at 3-point shooting.

Sa mga nabanggit ng mga players, si Thomas ang sentimental favorite.

  • LeBron James, Cleveland Cavaliers

Pangatlo si James (11) kay Westbrook (40) at Harden (20) sa dami ng triple-doubles ngayong season, bukod pa sa mga career-high averages ng Cavaliers star sa rebounds (8.5) at assists (8.7).

Pero bakit nga ba hindi matunog ang pangalan ni King James sa MVP race?

Isang dahilan ang pag-struggle ng Cavaliers kamakailan. Sa buwan ng Marso, 6-10 lang ang kartada ng Cleveland, na ngayo'y dinidikitan ng Boston para sa No. 1 seed sa East.

  • Steph Curry/Kevin Durant, Golden State Warriors

Maganda ang nilalaro ni Steph Curry nitong mga huling linggo pero simula nang maging kakampi niya si Durant at kinailangan nilang magsakripisyo at maghiraman ng bola, hindi ganoon kaangat ang taon ni Curry.

Mas malaki sana ang tsansa ni Durant maka-MVP kung hindi siya na-injure noong Pebrero. 

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Source : news[dot]abs-cbn[dot]com

0 comments :

Post a Comment

Powered by Blogger.