Nagpa-opera nitong Martes (Linggo ng gabi sa Manila) si Cleveland Cavaliers forward Kevin Love matapos siyang makaranas ng pananakit sa kanyang kaliwang tuhod.
Inaasahang mawawala si Love ng 6 na linggo, o malamang hanggang katapusan ng Marso.
Nagsimula raw kumirot ang naturang tuhod sa laro ng Cavaliers kontra Denver Nuggets noong Sabado.
Matatandaan din na kinwestyon ni LeBron James kamakailan ang determinasyon ng team management na magdagdag pa ng mga dekalidad na player. Ayon kay James, hindi raw sapat ang kasalukuyang lineup ng Cavaliers kung balak nitong lumaban sa kampeonato.
Dahil kailangan ni Love magpahinga, hindi siya makakapaglaro sa darating na All-Star game, kung saan pinili siya bilang reserve.
For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.
0 comments :
Post a Comment